*the worst part is… Mahilig silang pumuna at ikalat ang kung anong may isyu ang iba, pero sarili nilang katauhan at pamilya hindi nila alam ang paraan paano nila maisasalba.
Walang taong perpekto, lahat naman tayo ay aminado doon. Kaya wala kang karapatan para husgahan ang taong nasa paligid mo. Wag mong dudungisan ang ibang tao para magmukhang malinis ka sa kanya. Wag mo ring idahilan na kaya mo lamang ginagawa yun dahil you are concern in the way he/she behaves. Oo nga, concern ka pero hindi mo kailangang ikalat at gawing CHISMIS sa iba. Mahiya ka sa sarili mo, natuturingan nga na banal, mabait, maalalahanin, mapgkaktiwalaan at maasahan pero pagiging chismosa/chismoso lang pala ang kahinaan. Mas madumi ang katauhan mo kaysa sa sinisiraan mo. Walang binigay ang gobyerno na karapatan upang pagmalupitan mo ng salita ang kapwa mo, wala ka ring ibinibigay na ikabubuhay sa taong nilalapastanganan mo gamit ang matabil mong dila. Huwag kang sumabay sa agos ng mga taong labas.
Maawa ka sa sarili mo, dahil balang araw ay kakainin mo ang mga sinasabi at ikinakalat mo. Ipakita mo namang karapat-dapat ka kung nasaan ka ngayon.
**PAUNAWA:
WALA PO AKONG NAIS SAKTAN KUNG MGAY NATATAMAAN MAN, O NASISIRAAN SA MGA NASABI KO. PAWANG PAGLALABAS LAMANG NG KUNG ANO SA AKING PAG IISIP ANG TAMA. NAIS KO LANG IPAHIWATIG AT IPABATID ANG KAMALIAN SA MGA TAO NA MADALAS NA NAKAKAENGKEWENTRO O NAGTATAGLAY NG GANITONG PAG-UUGALI.