Ang mga sumusunod na mababasa ay sariling opinyon ko po lamang, kung may matatamaan man, wala po akong intesyon na ganoon. Magbasa na lamang po tayo, isa pa, ito po ay aking ipinost sa aking blog site upang ipabatid ang aking nakikita, nararamdaman o napapansin sa mga bagay-bagay :)
Lahat ng tao ay mayroong kilalang ganitong klaseng ka-relasyon, kaibigan, kamag-anak o kakilala. Hindi maiwasan ang mga gulo sa pagitan niyong dalawa o hindi pagkakaintindihan. Ano ba ang mga salitang minsa’y tama ang pagkaka describe sa taong ganito..
Ay.. ang abnormal mo din talaga. Wag kang manghusga na alam ko din ang lahat dahil nasulat ko ito, isa rin akong katulad mo, damay-damay lang tayo dito, pare-parehas lang tayong guilty pagdating sa ganitong bagay :)
**Tandaan:
Lahat ng sobra ay nakakasama rin, ang sobrang pang-unawa ay nakakasira ng ulo. Hindi mo matutulungan ang isang tao kung laging pang-unawa lang ang papairalin mo sa kanya. Minsan kailangan mong ipakita at ipaliwanag ng mabuti ang kanyang pagkakamali. Magtira ka para sa iyong sarili :)