Mahirap umpisahang mag blog kapag alam mong madaming makakabasa, haha :)
Pero ganun talaga eh, nasa internet what do you expect nga naman di ba.
Mahirap din simulang mag type ng gusto mo talagang ibahagi kapag alam mong
masakit para sa’yo yung mga sinasabi at tina-type mo ngayon sa keyboard.
Eng-eng lang na usapan na minsan napunta sa personalan. Wala naman akong
magagawa, kasi minsan give and take lang talaga, pero iba din kasi yung talagang
“ANG SAKIT BRADS!”
Yung sakit na kahit gustong-gustong mong sabihin ng detelyado eh hindi mo rin
magawa, na kahit sa mabasa lang ng iilang tao, mag agree sila sa’yo, kahit
pa-paano ay alam mong may kakampi ka, di ba?
Heto na Brads, start na tayo sa 2012 ko,
kung paano ako naapakan ng sobra.
Pero pasensya na kasi hindi ito detalyado
hinay-hinay lang sa pagbabasa,
buhay ko ito, kaya maiintindihan kita
kung wala lang kwenta sayo
hindi naman kita pinilit na basahin ito :)
LAGIM AT DILIM
Hindi ko alam kung bakit bawat araw ginagawa niya yun sa akin,
nagsimula yan sa isang sigalot, nasabihan ng konti, bumira ng
panibago, ganun talaga siguro ang mga ma-pa-pride na tao.
No.1 talaga sila pagdating sa ganung bagay. Wala akong masabi.
Gagawin kaming parang dalawang alimasag na pag-uumpugin.
Nang malaman ko yun, sabi ko sa sarili ko kailangan ko ng dumistansya
Mahirap kasing matamaan ng isang kidlat na di alam ang limitasyon.
Sabagay, kidlat nga naman, saan nanggagaling?
Sa itim na kalangitan. Minsan nasa puti, pag may kasama.
Malakas ang loob ng LAGIM AT DILIM kapag maraming taong
nakapaligid. Wala akong magawa, para akong batang api.
Ni hindi nga ako maipagtanggol ng isang lapad na bote.
Na inaasahan kong magpapamanhid sa nararamdaman ko.
Mahirap ang mgaing sardinas, mahirap makipag-siksikan sa loob ng lata.
Lalo na’t alam mong punong puno na. Nakakatakot yung darating ang
panahon na bubuksan ang lata at iisa-isahing laiitin ang mga sardinas
sa loob, yung isa mataba, yung isa malaman, yung isa payat yung
isa matinik, the rest nevermind.. Ok na ako sa sabaw.
Hirap na akong gumamit ng salita at bigyan ng panibaong kulay.
Pero kailangan kong gawin para di naman ako matawag na sumbungera.
Gusto kong maghanap ng kakampi, pero ayos na ako sa blog.
Kasi kahit iiyak ko ito, bukas ganun pa din ang laman ng lata.
Ganun pa din ang tunog lalo na pag walang laman at nabigyan na
ng bigat sa tiyan.
Ok na ako sa patira-tirada sa internet,
wag lang sana akong tatama sa Bingo yun ang mainet.
Hindi ko alam papaano ko hinayaan ang taong ito na ako’y
maapak-apakan.
Sabi nga nila ganoon ang 0-Tennis minsan wala ka ng mararamdaman.
Magiging makasarili ka, makikita mo muna lahat ng maganda
Sa huli na lang yung masagwa.
Akala ko nga masaya ang Pinwheels ko, ngayon alam ko na
sa susunod hindi na ako uulit. Sa susunod dun na lang ako sa
alam kong tunay na matigik. Kahit sobrang simple alam mong totoo.
Gusto ko na talagang umiyak ng umiyak ng umiyak.
Hindi ko na alam kung totoo kasi o hindi.
Hindi ko alam baka may doubts na o wala lang talaga.
Para akong tanga, kung ano-anong pinagsasabi ko.
Promise, hindi na ako uulit.